Pebrero 27, 2008
Walang pumasok sa utak ko...
Pero, I was thinking...
Naisip ko...
Walang "world-class" leader dito sa "Philippines"...
Ang mga nagpapatakbo ng mga kaganapan dito ay
mga taga-labas talaga... Utusan/Kutusan lang
nila ang mga pumapapel sa Gobyerno, sa Media, sa Taung-Bayan...
Tila nahahalata ko...
Parang ang pinag-aawayan lang talaga eh
ang tamang bahagihan ng kwarta...
Nagkagulangan lang sa hatian, nag-laban na...
Ano ba naman ang maaasahan mo
sa isang bansang ni hindi makagawa ng
sariling kutsara at tinidor?
[Ang isang malaking suliranin ng bansang ito
eh kopya ang sistemang pampulitika (gobyerno)
sa Estados Unidos na isang napakalaki at napakayamang
bansa samantalang "third-world" agricultural
level ang sistemang pang-ekonomiya...
Anong maaasahan mo sa ganyang uri ng sistema?
Ang bagsak eh agawan lang sa "crumbs"...
Ang sinumang uupong lider eh siya namang
mandaraya sa eleksyon, magnanakaw sa kaban ng bayan...
Kahit sinong i-upo o ilagay mo, ganoo't-ganun din
ang mangyayari.. Same-Same
Ang may kontrol ng mahahalagang industriya/produksyon
eh ang iilan lang na mayayaman na patuloy lang sa pag-yaman
Ganoon din sa lupain...
[Naniniwala aku na hangga't walang TUNAY na repormang panlupa
dito eh walang mangyayaring tunay na pagbabago sa lipunan...
Tutoo ba na sa Taiwan/Formosa eh binili raw noon ng gobyerno nito
ang mga malawak na lupain ng mayayaman at ipinamahagi ito?]...
Samantala, patuloy sa pagdami ang naghihirap na tau...
[Tutoo kaya yung nabasa ko na kaya "nilang" (those who rule/control)
paramihin o pakontiin ang 'middle class" at ito
ang siyang mag-sasaad ng mga kaganapan sa lipunan... sa pulitika...
Kapag pina-konti ito ang mangyayari eh
iilang ubod ng yaman ang nasa itaas ng "tatsulok" ng lipunan
at ang higit-higit sa nakararami eh "mahirap pa sa daga..."
Magbabangaan ang mga nasa ilalim at mababawasan ang kanilang dami...
So, kontrolado ang populasyon!...
Tutoo kaya ito? - na kaya "nilang" manipulahin
ang lipunan upang mabago ang katayuan ng maraming tau?...
Ayon kasi sa "grand conspiracy theories"
ang "kumokontrol sa masang pulubi" ay sila ring
"kumokontrol sa mga nasa itaas"...
Choose one & you get the other!
Wala kang kawala!
Sinong dapat talagang sisihin sa mga suliranin sa lipunan
at pamahalaan?
Sa pananaw ko
IISA lang talaga ang tunay na problema sa mundong ibabaw
==============================
ANG YAMAN AY HAWAK NG IILAN...
==============================
Ang mga kaganapan sa Kosovo, sa Burma, sa Colombia
sa Thailand... sa "Philippines"- may koneksyon ba ang mga ito?
May religious o pang-relihiyong aspeto ba
ang tinatawag nilang krisis ngayon dito?
Gov't vs Church?
Sino talaga ang nagba-banggaan?
Executive vs Legislative?
Church vs State?
Negosyante vs Gobyerno?
Negosyante laban sa Simbahan?
Gobyerno laban sa Oligarkiya
(Yung mga pamilyang ubod ng yaman)?
Gobyerno vs Masa?
Negosyante vs Masa?
Sino-sino talaga ang tunay na "involved"?...
Family feud?
East vs. West?
British vs US vs Japan vs
Vatican vs Russia vs China etc etc?
O multi-national financial groups?
Para sa akin, ang naglalaban lang talaga
eh ang mga Magnanakaw laban sa mga Sinungaling!
[Kaso mo, mag-kapatid daw itong dalawa...]
Choose one and you get the other!
At sila lang ang talagang nabibigyang puwang sa Media...
At ang naloloko (Nagpapaloko naman!)
eh ang masang tanga...]
Nasaan sa mga kaganapan...
ang mga MORO???!!!...
[Iba ang basa ko, ano?]
TMNP
Wednesday, February 27, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment